Ang Paraan ng Pagbibinyag sa Katoliko

Paraan ng Pagbibinyag sa Katoliko
Seremonya ng Binyag sa Katoliko
Mga hakbang sa pagbibinyag ng katoliko: Ano ba ang paraan ng pagbibinyag sa katoliko? Talakayin natin ngayon ang binyag ng Katoliko, kung bakit iba ito sa binyag ni Juan bautista? Biblikal ba ang proseso ng pagbibinyag sa katoliko? Ito ang kadalasang tanong sa mga taong wala pang kaalaman tungkol sa doktrina ng Katoliko sa pagbibinyag. Ang binyag ng mga Katoliko ay binubuo sa pamamagitan ng Espiritu Santo dahil yan ang binyag ni Kristo Jesus na ating mabasa sa aklat ng Lukas;

Lucas 3:16
[16] Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwat dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; akoy hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayoy babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

Dito sa sitas na ito ay ating malalaman kung bakit hindi na nilubog pa sa tubig ang binyag sa Katoliko. Ang paglubog sa tubig na binyag ay binyag yan ni Juan bautista, at ang binyag naman ni Kristo ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo at apoy!

Pero makita natin na sa binyag ng katoliko ay may tubig parin, bakit kaya? Ang binyag ng Katoliko ay gumamit parin ng tubig dahil yan ang paraan upang mapalapit sa Panginoon, pero wisik nalang! Basahin natin ang sitas;

 Hebreo 10:22
[22] Tayoy magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,

Kung napansin po ninyo tubig ito upang mahugasan tayo pero ang paraan wisikan o sprinkle at yan po ang ginawang seremonya ng binyag sa katoliko sa tuwing nagbibinyag.

Sana po ay naliwanagan ang lahat na nagbabasa sa pahayag na ito tungkol po sa paraan ng pagbibinyag sa Katoliko kung bakit hindi paglubog sa tubig at kung bakit wisik lamang ng tubig ang ginawa ng pari sa seremonya ng binyag sa katoliko. Kung mayron mang mga komentaryo, pakilatag lang po sa baba. Salamat sa pagbasa, God bless!

More topic:
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Ang Paraan ng Pagbibinyag sa Katoliko

3 Comments

  1. Napakahalaga po na malaman natin ang totoong Iglesia na syang binigyan ng authority na maminyag.

    ReplyDelete
  2. Anonymous10:04:00 AM

    Saan mababasa na naminyag ang mga apostol na wisik lang?

    ReplyDelete
  3. Anonymous10:07:00 AM

    Sinabi ba ni Kristo na wisik lang dapat ang binyag?

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form