Bakit Naniniwala Akong May Diyos Na Makapangyarihan Sa Lahat?

Bakit naniniwala akong may Diyos
Bakit naniniwala akong may Diyos

May ibat-ibang paniniwala ang bawat tao, ang iba ay naniniwala na merong Diyos na nagmamay-ari sa lahat at meron ding naniniwala na walang Diyos na hindi totoo ang sinasabing salita ng Diyos o Bibliya. Ang mga taong hindi naniniwala na walang Diyos ay tinatawag na "Atheist". Ang Atheist ay isang taong hindi naniniwala o kulang ang paniniwala sa pagkakaroon ng Diyos o mga diyos.

Pero bakit nga ba masasabi natin na totoo talaga ang Bibliya na isang salita ng Diyos? Bakit nga ba na naniniwala ang ilan na totoo talaga na mayroong Diyos? May mga pangyayari o mga ebidensiya na mayrong talagang Diyos at totoo na ang Bibliya ay salita ng Diyos. Ano ang sabi ng panginoon sa atin?

Sa simula pa'y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin (Isaias 46:10).

Katibayan Na Nagpapatunay Sa Bibliya Na Ito Ay Totoong Salita Ng Diyos

Halimbawa #1

Isa sa mga halimbawa ang sinabi ng Bibliya tungkol sa pag-angat ng isang dakilang pinuno ng Griyego (kilala natin ngayon ang history sa "Alexander The Great") na mamamahala sa mundo at ang apat na heneral ang sasakop sa kanyang kaharian pagkatapos ng kanyang pagkamatay, hinulaan ito nang 260 taon in advance sa aklat ni Daniel. Hinulaan din nito na pagkatapos ng pamamahala ng Greece ang mundo ang Roma ang mamamahala sa mundo at pagkatapos ng Roma ay walang emperyo ang maghari muli sa buong mundo.

Daniel 8:4-9

4Aking nakita ang lalaking tupa na nanunudlong sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan; at walang hayop na makatayo sa harap niya, ni wala sinoman na makapagligtas mula sa kaniyang kamay; kundi kaniyang ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, at nagmalaking mainam.

5At habang aking ginugunita, narito, isang kambing na lalake ay nagmula sa kalunuran sa ibabaw ng buong lupa, at hindi sumayad sa lupa: at ang lalaking kambing ay may nakagitaw na sungay sa pagitan ng kaniyang mga mata. 6At siya'y naparoon sa lalaking tupa na may dalawang sungay na aking nakitang nakatayo sa harap ng ilog, at tinakbo niya siya sa kabangisan ng kaniyang kapangyarihan. 7At aking nakitang siya'y lumapit sa lalaking tupa, at siya'y nakilos ng pagkagalit laban sa kaniya, at sinaktan ang tupa, at binali ang kaniyang dalawang sungay: at ang lalaking tupa ay walang kapangyarihang makatayo sa harap niya; kundi kaniyang ibinuwal sa lupa, at kaniyang niyapakan siya; at walang makapagligtas sa lalaking tupa mula sa kaniyang kamay. 8At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya'y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao'y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit.

9At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain.

Daniel 8:20-26

20Ang lalaking tupa na iyong nakita, na may dalawang sungay, ang mga yaon ang mga hari sa Media at Persia.

21At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari. 22At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

23At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.

24At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni't hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya'y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.

25At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya'y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya'y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni't siya'y mabubuwal hindi ng kamay.

26At ang pangitain sa mga hapon at mga umaga na nasaysay ay tunay: nguni't ilihim mo ang pangitain; sapagka't ukol sa maraming araw na darating.

Halimbawa #2

Sa Genesis 6 sinabi ng aklat na darating ang malaking baha sa mundo at tagubilin ng Diyos kay Noe na gumawa ng malaking arko upang magligtas ng maraming buhay at kasama nito ang ibat-ibang mga hayop na pares. Natupad ba ito? Syempre! Naganap ang baha at kaunti lang ang naligtas sa sanlibutan. Bakit hindi sila naligtas? Dahil hindi sila naniniwala sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Maramin pang mga hula sa Bibliya na nagaganap at ang dalawang halimbawa na yan ay isang katitik lang sa mga maraming hula na nangyayari na at mangyayari pa lamang. Kaya hindi pa huli ang lahat na lumapit sa panginoon at manalig sa kanya upang makasama sa kaligtasan na kanyang inihanda sa lahat na maniniwala sa kanya.

Kung mayron pang mga karagdagang ebidensiya na totoong salita ng Diyos ang Bibliya at gusto niyong ibahagi sa lahat ay paki-post nalang sa comment area.

= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Bakit Naniniwala Akong May Diyos Na Makapangyarihan Sa Lahat?

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form