Paraan ng Pagbibinyag ng Katoliko |
Paraan ng Pagbibinyag sa Katoliko
Ang Simbahang Katoliko ay nagtuturo na ang Pagbibinyag ay kinakailangan para sa kaligtasan at pagbabago, na nagiging dahilan upang tayo ay maipanganak muli bilang mga anak ng Diyos. Sa pamamagitan ng Pagbibinyag tinatanggap natin ito ay nagbibigay ng bagong buhay, banal na pagpapala ng Banal na Espiritu. Tinatanggal ng biyaya na ito ang orihinal na kasalanan na kumikinang sa bawat kaluluwa dahil sa bumagsak na katangian na minana natin mula kay Adan at Eba (Isaias 51:5). Ang mga pangulo ng Iglesia ay inutosan ng pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig sa pangalan ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu (Mateo 28:19), bilang pangunahing landas patungo sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Iglesia. Binabautismuhan ng Simbahan ang mga sanggol mula sa mga naunang panahon at patuloy na ginagawa ito ngayon. Itinuro din ng Katesismo sa Iglesia na dapat sundin ang Bautismo upang gabayan ang nabautismuhan sa kanyang paglalakbay bilang Kristiyano. Parehong paglubog at pagwiwisik ay mga katanggap-tanggap na paraan ng pagbibinyag sa Simbahang Katoliko.
Bakit po ba ang binyag ng Katolikong Romano ay hindi paglubog?
Sagot: Dahil po ang binyag sa Katoliko ay binyag ni Kristo (Espiritu Santo). Mababasa po natin yan sa sulat sa mga GAWA;
Gawa 1:5
[5] Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayoy babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
At itong bautismo sa Espiritu Santo ay bautismo ni Kristo. Mababasa po natin yan sa sulat ni San Mateo;
Mateo 3:11
[11] Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwat ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyoy magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:
Napakaliwanag po mga kaibigan, na mas maganda pala ang binyag sa Espiritu Santo dahil ito ay binyag ni Kristo na siyang nagdala ng kaligtasan.
Bakit bibinyagan ang bata?
Sagot: Dapat po talaga na binyagan ang mga bata sa mga katoliko dahil po, kasama po ang ating mga anak sa pangako ng Dios. Mababasa po natin yan sa GAWA;
Gawa 2:38-39[38] At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
[39] Sapagkat sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
Nabasa ba nyo yan? Napakalinaw po na kasama po pala lahat (pati mga anak) sa pangako ni Kristo na kaligtasan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan binyagan ang sanggol, dahil nga po pati mga anak ay kasama sa kaligtasan na pangako ni Kristo Jesus.
Sana po naintindihan ninyo ang paliwanag na ito tungko po sa binyag ng Katoliko, kung bakit binibinyagan ang mga sanggol sa Katoliko. Kung mayron pang hindi naintindihan, paki-komento lang po sa ibaba.
= SHOW YOUR REACTION =
Dapat talagang mabinyagan lahat para sa kaligtasan.
ReplyDeleteAng tanong ngayon, sino ba ang mga successor sa mga apostol? Authorized ba kayong tagagawa ng binyag?
ReplyDeleteJesus entrusted his church to St. Peter then St. Peter entrusted it to Popes, the Popes were the successor until this time. The Pope and the Priests are authorized to do the baptism. . .
DeleteSt. Peter entrusted it to Popes? Napakatagal na panahon na pong namatay si Peter bago po naitatag ang Catholic. Kaya kung matagal ng patay si Peter, wala po sa kaalaman niya ang Catholic. Paano po nangyari ‘yon?
DeleteAng pabor sa katoliko ay yun ang kanilang ginagawa ang bawal sa dios doon sila lumilihis,ang bautismo para lang sa mga nakagawa na ng kasalanan ,subalit ang mga sanggol wala pang muang sa mga karumaldumal Sino ang mali ang kautusan ba o ng gawa ng TAO?
ReplyDeleteMay mababasa po ba sa bible na ang tinutukoy nyo na mga anak na bibinyagan ay mga sanggol? Ang mga anak kasi kahit na tumanda pa yan ay mga anak pa rin sila ng mga magulang nila. Ang Panginoong Jesus at ang mga tagasunod niya, nabinyagan noong sila ay malalaki na, hindi mga sanggol.
ReplyDeleteNang nauso ang binag malaki na sila eh kaya malaki na sila nabinyagan, hindi naman pwede gawin pa silang bata para mabinyagan. At tsaka pagsinabing anak kasama na mga sanggol, alangan naman hindi mo angkinin na anak mo yon.
Delete