Bakit Sinasamba Si Maria At Mga Santo?

Bakit Dinasalan si Maria

Ang tanong po sa mga protestante, bakit daw sinasamba si Maria? Ang sagot po ay napakasimple. Hindi po namin siya simamba bilang isang Dios, kundi humihingi lamang kami ng tulong sa kanya patungo kay Kristo dahil mas malaking posibilidad na dinggin ang kanyang dasal. Basahin po natin ang bibliya.
Kawikaan 15:29
Ang Panginoon ay malayo sa masama: ngunit kaniyang dinidinig ang dalangin ng matuwid.
Hindi sa paraan na pinagmamalaki ko ang mga katoliko, pero maaari kong isalaysay ang mga tanong na madalas na tinanong, "Bakit ang mga Katoliko ay nananalangin kay Maria?". Ang paraan daw sa pagdarasal sa mga patay ay wala ng saysay dahil hindi na sila makarinig sa iyo, kaya ang pagdarasal sa isang taong patay ay parang walang saysay na panukala.

SAGOT:

Si Santa Maria ay buhay na ngayon at kasama siya sa mga mensahero.

Gayunpaman, mayroong ilang mga talata sa Pahayag na nag-uusap tungkol sa mga panalangin ng mga banal. Basahin natin sa Apocalipsis 5: 8: 
Apocalipsis 5:8
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
Ibig sabihin, nanalangin nga ang mga banal o santo. Hindi naman natin masasabi na hindi banal si Santa Maria dahil sa kanya dumaan ang Panginoon nang siyay nagiging tao. At hindi lang isang banal ang nanalangin kundi lahat na banal.
Apocalipsis 8:3-4:
At ang isa pang anghel ay dumating at tumayo sa altar na may gintong insensaryo; at binigyan siya ng maraming insenso upang makihalubilo sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa altar ng ginto sa harapan ng trono; at ang usok ng insenso ay tumindig sa mga panalangin ng mga banal mula sa kamay ng anghel sa harapan ng Diyos.
Siyempre para sa mga nasa langit walang pangangailangan para sa mga panalangin, kaya ang mga panalangin ng mga banal ay para sa mga nasa lupa. Kung ang mga banal ay nagdarasal para sa atin, bakit hindi sila pakiusapan ng isang tiyak na bagay? Sana naman naintindihan po ang paliwanang na ito at ito ang umpisa sa pagkakaroon ng tamang landas sa bawat isa patungo sa langit at magkaroon ng buhay na walang hanggan na pangako ni Kristo Jesus.

Dagdag Kaalaman:
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Bakit Sinasamba Si Maria At Mga Santo?

1 Comments

  1. Anonymous11:47:00 AM

    Napakalinaw po sa Lukas 1 - si Mama Mary ay ina ng panginoon.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form