Paano Naging "Ina Ng Diyos Si Maria"?

Ina Ng Diyos Si Maria

Ang kadalasang tanong ng mga protestante; "Bakit tinatawag ng mga Katoliko na si Maria ay "Ina ng Diyos?" Iyon ay paglapastangan! At dagdag pa; "Kung si Maria ang tunay na ina ng Diyos kung gayon ang ina ni Maria ay magiging Lola ng Diyos." 😍

Ang sagot naman ng mga Catholic Depender; "Tinatawag namin si Maria na "Ina ng Diyos" sapagkat si Hesus na (Diyos) ay anak ni Maria".

Napakasimple di ba? Pero hindi pa rin makuha ng mga protestanteng grupo.

Paano natin mapatunayan sa bibliya na Diyos nga si Kristo Hesus?

Isa sa mga verses na nagpapatunay na Diyos nga si Kristo Hesus ay mababasa natin sa sulat sa Lucas. Sa pangyayaring ito ay napuspus si Elisabet ng Espiritu Santo at sinabi niya kay Maria.

Lucas 1:43 At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin?

Napakalinaw po mga kaibigan na si Kristo Hesus pala na Panginoon ay anak ni Maria. Dahil ang sabi ng Bibliya ang Panginoon ay Diyos.

Deuteronomio 6:4 Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon:

1 Hari 18:39 At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.

Kaya naman pala na tinatawag na Diyos si Kristo Hesus dahil ang Diyos pala ay isang Panginoon.

= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Paano Naging "Ina Ng Diyos Si Maria"?

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form