Mga Palatandaan Sa Mga Tunay Na Alagad Ng Diyos

Larawan ng Diyos
Larawan ng Diyos.
Bakit ang mga Katoliko ay may mga imahe ng mukha ni Cristo?

Ito ay dahil, ang mga Katoliko lamang ang pinagkalooban ng pagkakataon na makita at mailarawan ang mukha ni Cristo sa pamamgitan ng mga ninunong Kristiano na nakasaksi at nakakita sa kanya, inilarawan gamit ang sining at siyang namana at napreserba para sa panahong ito.

Bukod sa praktikal na kasagutan, ano ang sinasabi ng Biblia patungkol sa PAGKAALAM ng mga KATOLIKO sa MUKHA ng ating PANGINOONG HESUKRISTO?

Iyan actually ang sinasabi ng Biblia:

"Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa mga noo nila ang kanyang pangalan."
-Pahayag 22:4 Ang Salita ng Diyos (SND)

Malinaw na sa talata ay sinasabi na MAKIKITA NILA (Mga tunay na lingkod ng Diyos) ang kanyang MUKHA. Kung kaya hindi kataka-takang tayong mga Cristianong Katoliko ay namulat na nakikita ang mukha ng ating Panginoon.

Bukod pa diyan, tunay na Katoliko ang tinutukoy diyan, sapagkat bukod sa pagkakita ng kanyang mukha ay naisulat din sa ating mga NOO ang PANGALAN NIYA, ano ba itong pangalan niya?

Syempre, ang NGALAN NG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO (Mateo 28:19-20) na nakasulat sa Biblia na kung saan ay itinatatak naman sa ating mga noo bilang KRUS, at dito palang ay nakikita na naisusulat ang NGALAN ng DIYOS sa ating mga noo.

Malinaw ngayon, na ang mga KATOLIKO ang tunay na alagad ng Diyos, kabilang sa mga maraming ebidensya ay ang mga nailatag:

1. Makikita nila ang kanyang Mukha,
2. Isusulat sa noo nila ang NGALAN ng Diyos.

Sana may nakuha kayong kaalaman sa pahina na ito.

Learn more:
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Mga Palatandaan Sa Mga Tunay Na Alagad Ng Diyos

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form