Ibat Ibang Katangian Ng Tao Na Dapat Patnubayan

Ang Mga Katangian Ng Tao
Halimbawa ng Katangiang Pisikal

Ang katangian ng tao ay nagdudulot ito sa dalawang klaseng pangyayari, maari itong magdulot ng masama o maari itong magdulot ng mabuti. Sa bawat kilos ng tao nagtataglay ito ng katangian, dipendi nalang sa tao kung anong klaseng katangian ang gusto niyang angkinin. Ang Dios ay nagbibigay ng pagkakataon na mamili ang isang tao, maging sa masama o maging sa mabuti, kasi ang tao ay hindi robot o makina na walang pusong umiibig.
Pero ang tao ay pinaalalahanan na ng Dios kung ano ang mangyari sa kanya sa pinagpipilian nyang katangian. Sabi nga sa sulat ng Awit, mapalad daw ang tao na hindi gumawa ng masama.
Awit 1:1[1] Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Kaya dapat nating isipin at sundin kung ano ang mabuting gawain na maipakita natin sa kapwa dahil ito ay magdudulot sa atin ng magandang bagay mula sa Panginoon. Ang mga Gawain na ito ay nanggagaling sa katangian ng tao at dapat nating ingatan para hindi tayo mapahamak.

Ito ang ilan sa mga katangian ng tao na dapat nating patnubayan;

1.) Nagagalit
2.) Nasasaktan
3.) Nalulungkot
4.) Nag-alala
5.) Nanghihina
6.) Umiibig
7.) Sumasaya
8.) Nahihiya

Nagagalit
Ang tao ay may galit, kaya nga si Kristo nang naging tao ay nagagalit rin, dahil siya ay nagkatawang tao at normal lang sa tao ang galit. Pero huwag mong pabayaan ang galit mo na humantong sa pagkakasala.

Nasasaktan
Ito ang katangian ng tao sa pangkatawan. Kailan ba nasasaktan ang isang tao? Pagpinalo ka, binugbog ka, nasugatan ka, maramdaman moa ng sakit di ba? Pero mayroong mga pangyayari na kahit hindi ka nahahawakan nasaktan ka! Halimbawa bastid ka, ouch! Ang sakit kaya. Kung ang crush mo o iniibig mo ay nagkaroon na ng ibang syota o nobyo, di ba masakit rin kahit hindi ka binugbog? Kung isa sa mga iyan ay nangyayari sa iyo, huwag kang magtaka, dahil ikaw ay tao.

Nalulungkot
Nasubukan mo nabang maging malungkot? Lahat na tao ay nakasubok na niyan, dahil isa yan sa mga katangian ng tao. Normal lang sa tao na malungkot kung isa sa kanyang mahal sa buhay ay yomaon na, kung hindi pinansin ng minahal mo, o ano pa na hindi magandang pangyayari sa iyong buhay. Kung yan ay nangyayari sa iyo, huwag kang magtaka, dahil ikaw ay tao.

Nag-alala
Natural sa isang tao na mag-alala kung mayrong sunog sa lugar na nandoon ang kanilang kamag-anak lalo na kung hindi pa nila ito natawagan o wala pa silang balita sa sitwasyon ng kanilang kamag-anak na nandoon sa lugar na nangyari ang sunog. Nag-alala ang isang magulang kung ano na ang nangyayari sa kanyang nag-aaral na anak doon sa malayong lugar, lalo na kung ang anak niya ay hindi ito sumusulat o tumatawag man lang sa telepono para ibalita ang kanyang sitwasyon.

Manghihina
Ito ang normal na katangian ng tao sa pangkatawanMayron bang tao na hindi manghihina kung takbuhin niya ang sampung kilometro? Siguro may tao na nakakaya niya, pero pagdating niya sa sampung kilometro sigurado manghihina talaga yan, dahil siya ay isang tao. Mayroon ring tao na nanhihina dahil sa mga problema na dumarating sa kanyang buhay. Kung ito ay nanyari rin sa inyo lapit lang kayo ni Kristo Jesus para pagaanin niya ang inyong problema.
Mateo 11:28[28] Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayoy aking papagpapahingahin.
Umiibig
Bulag, pipi, at bingi o kahit anong sitwasyon sa buhay mo basta matino lang pag-iisip mo mangyayayaring darating sa iyo ang tinatawag na PAG-IBIG (Love). Maaaring pag-ibig ito sa kapwa o pag-ibig ito sa Dios na makapangyarihan. Ito ay talagang mangyayari sa iyo dahil ikaw ay tao.

Sumasaya
Masaya ang tao kung ang kanyang hangarin ay magtagumpay. Masaya ang tao kung magkaroon ng magandang buhay. Masaya ang tao kung may pananalig kay Kristo Jesus.

Nahihiya
Sabi ng iba; “yong tao na yon ay walang hiya”. Sa totoo lang mayrong hiya yan dahil tao yan eh! Kaso lang kinapalan niya ang kanyang mukha dahil may gusto siyang aabutin o naisin. Minsan may nadadapa sa harap ng maraming tao, nakakahiya talaga iyon, at sa halip na tulungan pinagtatawanan lang ng ilang nakakakita sa kanya! Ang sama naman sa katangian ng mga tumatawa na hindi man lang tinutulongan na itayo. Minsan rin kung umibig ka, nahihiya ka sa kanya di ba lalo na kung love at first sight. Parang hindi ka makatingin ng harap-harapan di ba?

Yan po ang ilan sa mga katangian ng tao na dapat nating patnubayan patungo sa mabuti dahil ang mga masasama ay gawing panggatong sa katapusan ng panahon. Basahin natin ang aklat ni Mateo;
Mateo 13:49-50[49] Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,
[50] At silay igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
Napakaganda po ang buhay kung tayo ay mamuhay sa isang mabuting katangian, at hwag kalimutan ang ating pananalig sa kanya, kay Kristo Jesus. At ito ang pinakaimportante na sinabi ni San Pablo;
Galacia 5:6[6] Sapagkat kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
Napakalinaw po, na hindi batas ang importante, kundi ang pananampalataya kay Kristo na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig. Medyo mahabahaba na ang usapan natin, kaya kung may mga tanong pa tungkol sa tema natin o mayron kayong gustong idagdag, magkomento lang kayo sa ibaba.

Read more:
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Ibat Ibang Katangian Ng Tao Na Dapat Patnubayan

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form