Ano Ang Ibig Sabihin ng Sabbath Day, Utos Pa Ba To Para Sa Mga Kristiyano?

Ano Ang Ibig Sabihin ng Sabbath Day
Sabbath Elevator
Ang (SDA) SEVENTH DAY ADVENTIST o kilala sa tawag na MGA SABADISTA, ang patuloy na naniniwala sa simulaing ang PANGINGILIN ng SABBATH ay nananatiling isang KAUTUSAN na dapat ipatupad sa mga tao, partikular sa mga KRISTIYANO.

Kaya’t atin bibigyan ng daan na mapag-aralan ang nasabing paksa para ating masagot ang tanong na: UTOS PA BA SA MGA KRISTIYANO ANG PANGINGILIN NG SABBATH?

Kailan ba nagsimulang ipagutos ang pangingilin ng Sabbath? At ano po ba ang tinatawag na Sabbath?

Exodo 20:8-11 “ALALAHANIN MO ANG ARAW NG SABBATH UPANG IPANGILIN. ANIM NA ARAW NA GAGAWA KA AT IYONG GAGAWIN ANG LAHAT NG IYONG GAWAIN. NGUNI'T ANG IKAPITONG ARAW AY SABBATH SA PANGINOON MONG DIOS: SA ARAW NA IYAN AY HUWAG KANG GAGAWA NG ANOMANG GAWA, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.”

Maliwanag na ipinaliwanag sa atin ng Diyos mismo na ang Sabbath ay ARAW NG PAMAMAHINGA at ito ay ipinagutos niya sa Panahon ni MOISES. Kaya nga sa ngayon ay sinusunod pa rin nila, at yan ang dahilan na mayron silang SABBATH ELEVATOR, na kusang papara ito sa panahon ng sabbath. Maliwanag na ito ay isinasagawa sa paraang ito:

“NGUNI'T ANG IKAPITONG ARAW AY SABBATH SA PANGINOON MONG DIOS: SA ARAW NA IYAN AY HUWAG KANG GAGAWA NG ANOMANG GAWA”

Katumbas ito ng tinatawag na “REST DAY” o isang araw na pahinga mula sa ating isang Linggong paggawa o paghahanapbuhay, na noon ngang panahon ni Moises at ng Bayang Israel ay tinatawag na SABBATH sapagkat ginaganap ito sa tuwing ika-pitong araw ng isang linggo – araw ng SABADO.

Ano ba ang dahilan at ang BAYANG ISRAEL ay inutusan ng Diyos na magsagawa ng SABBATH?

Deuteronomio 5:15 “At IYONG AALALAHANIN NA IKAW AY NAGING ALIPIN sa LUPAIN NG EGIPTO, at IKAW AY INILABAS NG PANGINOON MONG DIOS DOON sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: KAYA'T INIUTOS SA IYO NG PANGINOON MONG DIOS, NA IPANGILIN MO ANG ARAW NG SABBATH.”

Maliwanag ang dahilan kung bakit inutusan ang BAYANG ISRAEL na MANGILIN ng SABBATH sapagkat ang mga Lahing Israelita po ay Iniligtas ng Panginoon mula sa pagkaalipin sa Bansang Egipto. Ito po ang talagang dahilan kaya nagkaroon ng SABBATH, para gunitain ng mga JUDIO ang pagliligtas sa kanila ng Diyos noong panahon ni Moises.

Kaya dito pa lamang ay malinaw na nating nasasagot ang Tanong na: UTOS PA BA SA MGA CRISTIANO NA IPANGILIN NG SABBATH?

SAGOT: Hindi na po! kasi ang KAUTUSANG ito ay EKSKLUSIBO o natatangi lamang sa mga ISRAELITA na iniligtas ng Diyos sa pagkaalipin mula sa Egipto. Para po sa mga Israelita lamang ang batas na ito ng Panginoong Diyos.

Pero siyempre, hindi papayag ang mga kaibigan nating SDA diyan, at sasabihin nila na ang Pangingilin ng Sabbath ay bahagi ng SAMPUNG UTOS [Exodo 20:1-17] na dapat tuparin ng mga CRISTIANO.

At bukod diyan ay mayroon silang ginagamit na talata sa Biblia na sinabi ng Panginoong Jesus na ganito:

Mateo 5:17 “HUWAG NINYONG ISIPING AKO'Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN o ang mga propeta: AKO'Y NAPARITO HINDI UPANG SIRAIN, KUNDI UPANG GANAPIN.”

Maliwanag daw po na sinabi ng Panginoong Jesus na siya ay hindi naparito upang sirain ang kautusan kundi upang ganapin o tuparin, at dahil bahagi ng KAUTUSAN sa LUMANG TIPAN ang pangigilin ng Sabbath kaya daw po hindi mangyayari na hindi ito ipatupad ni Cristo sa mga Cristiano.

Kung uunawain natin ang nasabing pananalita ni Jesus na gaya ng kanilang pagkaunawa, lalabas kung gayon na lahat ng Utos na binabanggit sa Old Testament ay ipinatupad sa New Testament o sa panahong Cristiano. Totoo ba iyon? Narito ang ilan sa halimbawa ng mga Utos sa Old Testament na hindi na ipinatutupad sa mga Cristiano:

Mga Halimbawa ng Kautusan sa Lumang Tipan na hindi na ipinatupad sa mga Cristiano

1. Ang Pagtutuli sa mga lalake na ipinagutos din noon (Levitico 12:3) ay hindi na ipinatupad sa mga Cristiano ng mga Apostol (Mga Gawa 15:1-32).

2. Ang batas na NGIPIN sa NGIPIN at MATA sa MATA (Levitico 24:20) na ipinatupad din noon, pero nilinaw ni Cristo na hindi na ganun ang batas ngayon (Mateo 5:38-39).

Ilan lamang po iyan sa mga halimbawa ng mga KAUTUSAN sa Lumang Tipan na napakaliawanag sa Biblia na hindi na ipinatutupad sa panahong Cristiano o sa panahon natin, na kahit ang mga kaibigan naming mga SDA ay hindi tatanggi diyan.

Ano ang ibig sabihin nito? Kung mayroon palang mga UTOS na nasira o hindi na ipinatupad sa panahong Cristiano, lumalabas kung ganon na may kontradiksiyon sa pahayag ni Cristo sa Mateo 5:17.

Kasi ang liwanag ng sinabi niya eh, balikan natin:

Mateo 5:17 “HUWAG NINYONG ISIPING AKO'Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN o ang mga propeta: AKO'Y NAPARITO HINDI UPANG SIRAIN, KUNDI UPANG GANAPIN.”

Napakaliwanag na sinabi ni Jesus na hindi niya sisirain ang KAUTUSAN, pero sa katotohanan at ating naipakita na may mga KAUTUSAN mula sa OLD TESTAMENT na hindi na ipinatutupad, kaya kung iisipin natin parang ang kalalabasan ay may SALUNGATAN.

May salungatan nga ba? Wala po, dahil una wala naman pong sinabi si Jesus na “LAHAT NG KAUTUSAN” ang tinutukoy niya, ang sabi lang niya “KAUTUSAN” hindi “LAHAT NG KAUTUSAN”, kaya tanungin natin si Cristo mismo, alin bang KAUTUSAN ang sinasabi niya na hindi niya sisirain kundi kaniyang gaganapin?

Sasagutin tayo ng Panginoong Jesus mismo:

Lucas 24:44 “At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na KINAKAILANGANG MATUPAD ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA NANGASUSULAT TUNGKOL SA AKIN SA KAUTUSAN NI MOISES, AT SA MGA PROPETA, AT SA MGA AWIT.”

Napakaliwanag ng pahayag ni Jesus kaya napakalinaw na walang kontradiksiyon, dahil ang tinutukoy niyang KAUTUSAN na dapat matupad ay ang MGA KAUTUSAN na:

“KINAKAILANGANG MATUPAD ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA NANGASUSULAT TUNGKOL SA AKIN SA KAUTUSAN NI MOISES, AT SA MGA PROPETA, AT SA MGA AWIT.”

Iyong mga bagay lang na patungkol kay Jesus o tumutukoy kay Jesus, gaya ng mga PROPESIYA o HULA na tungkol kay JESUS na isinulat ni MOISES, mga PROPETA, at napasulat maging sa AKLAT ng MGA AWIT. Ang mga iyon ang kaniyang tinupad sa kaniyang pagparito.

Iyan lamang ang ibig sabihin ng sinabi niya sa Mateo 5:17 na kaniyang tutuparin, ang mga KAUTUSAN na may KINALAMAN lamang sa kaniya o PATUNGKOL sa KANIYA. Iyong mga KAUTUSAN na hindi TUNGKOL sa kaniya ay ang mga KAUTUSAN na hindi na tutuparin, at iyon nga ay ang maraming bahagi sa KAUTUSAN ni MOISES na hindi na ipinatupad sa PANAHONG CRISTIANO.

Luke 16:16 "THE LAW OF MOSES AND THE WRITINGS OF THE PROPHETS WERE IN EFFECT UP TO THE TIME OF JOHN THE BAPTIST; since then the Good News about the Kingdom of God is being told, and everyone forces their way in. [Good News Bible]

Maliwanag po sa Biblia na ang KAUTUSAN ni MOISES ay umiral lamang sa PANAHON bago dumating si JUAN BAUTISTA, at ito po ang pagsisimula ng panahong Cristiano, kaya ang SABBATH, sapagkat bahagi ng KAUTUSAN NI MOISES ay hindi na ipinatupad sa mga CRISTIANO:

Colosas 2:16 “KAYA’T HUWAG NA KAYONG MAGPASAKOP PA SA ANUMANG ALITUNTUNIN tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa ARAW NG PAMAMAHINGA (Sabbath)” [MBB]

Iyan po ang utos sa mga Cristiano, hindi na tayo nasasakupan ng KAUTUSAN ni MOISES at kasama riyan ang SABBATH na hindi na natin dapat pang ipangilin.

Iyan po ang dahilan kaya wala po tayong mababasa sa Biblia na NANGINGILIN pa ng SABBATH ang mga UNANG CRISTIANO…dahil hindi na po ito isang BATAS o KAUTUSAN na ipinatutupad sa kanila.

Kung mayrong mga katanungan o dagdag kaalaman, pakilagay nalang po sa komento dito sa baba. God bless!
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Ano Ang Ibig Sabihin ng Sabbath Day, Utos Pa Ba To Para Sa Mga Kristiyano?

4 Comments

  1. Anonymous9:54:00 AM

    Hwag magmatigas ang ulo sa utos ng Dios, utos yan na dapat sundin.

    ReplyDelete
  2. Anonymous2:44:00 PM

    KAPAG GINAWA BANAL NG ISANG DYOS DI PWEDE ITO SIRAIN NINOMAN.

    ReplyDelete
  3. Anonymous6:25:00 PM

    Pag wala na utos bakit kasalanan pumatay? Kasi sabi sa Israel ang Sampung utos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Utos yan para sa mga Jewish, hindi sabado ang simba para sa mga Kristiyano.

      Delete
Previous Post Next Post

Contact Form