AMA NAMIN DASAL: Ang Panalangin ng Panginoon

Ama Namin Dasal Ng Panginoon

Ang AMA NAMIN na dasal ay isang panalangin ng panginoong Hesukristo (Jesus Christ). Ito ay kanyang itinuro sa mga tao bilang batayan sa tuwing manalangin. At dahil ito ay kanyang itinuro, sinusunod ito o pinapanalangin ng maraming relihiyon o sekta. Kung isa ka sa gustong matuto sa panalangin na ito, makikita mo sa pahinang ito ang buong dasal na AMA NAMIN mula sa turo ni Kristo Jesus.

Ama Namin - Ang Panalangin Ng Panginoon

Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo, Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen.
Sana ang pahinang ito ay nakakatulong sa iyong pananampalataya at magiging daan upang ikaw ay mapalapit patungo kay Kristo Hesus. Ang Ama namin na dasal ay mababasa natin sa Mateo 6:9-13. Kung mayron mang mga komento, ilagay lang sa ibaba ng pahinang ito.
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on AMA NAMIN DASAL: Ang Panalangin ng Panginoon

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form