Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Pag ibig?Gusto mo bang malaman kung ano ang kahulugan ng pag ibig? Ang sampung utos ng Diyos ay nangangahulugan rin ng pag-ibig, pag-ibig sa Diyos at pag ibig sa kapwa. Pero ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig? Kahit sa bagong tipan sa panahon ni Kristo Jesus, ang pag-ibig ang pinakasentro sa lahat na siyang daan patungo sa kaligtasan. Iniuutos pa nga yan ni Jesukristo sa kanyang mga tagasunod (mga apostoles) bilang pagpapakita sa tunay na pagmamahal ni Kristo.
Basahin natin ang aklat ni Juan ebanghelista.
John 14:15
[15] Kung akoy inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
Napakalinaw po mga kaibigan, ang pagtupad pala sa utos ni
Kristo Jesus ay nangangahulugan at pagpapakita na ikaw ay umibig sa kanya. At
ano naman ang kanyang iniutos? Basahin natin sa aklat ni Juan ebanghelista…
John 13:34
[34] Isang bagong utos ang sa inyoy ibinibigay ko, na kayoy mangagibigan sa isat isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isat isa.
Napakalinaw po na kahit ang utos ni Kristo Jesus ay pag-ibig
pa rin dahil ito nga ang daan patungo sa kaligtasan. At ano naman ang sinasabi ni apostol Pablo tungkol sa pag-ibig?
Ano ang kahulugan ng pag ibig ayon kay apostol Pablo? Ito ang kanyang
pahayag sa taga-Corinto…
1 Corinto 13:1-13
[1] Kung akoy magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, datapuwat wala akong pagibig, ay akoy naging tanso na tumutunog, o batingaw na umaalingawngaw. [2] At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pat mapalipat ko ang mga bundok, datapuwat wala akong pagibig, ay wala akong kabuluhan. [3] At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwat wala akong pagibig, ay walang pakikinabangin sa akin. [4] Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. [5] Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; [6] Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; [7] Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. [8] Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala. [9] Sapagkat nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng bahagya; [10] Datapuwat kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos. [11] Nang akoy bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. [12] Sapagkat ngayoy malabo tayong nakakikita sa isang salamin; ngunit pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayoy nakikilala ko ng bahagya, ngunit pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin. [13] Datapuwat ngayoy nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang Pag ibig.
= SHOW YOUR REACTION =