Ano Nga Ba Talaga Ang Tunay Na Sampung Utos Ng Diyos?

Ang Tunay Na Sampung Utos Ng Diyos

Ano-ano nga ba ang tunay na sampung utos ng Diyos? Marami talaga ang nalito tungkol sa sampung utos ng Diyos ayon sa Bibliya. Kaya ngayon ay ating talakayin kung ano ba talaga ang tunay na sampung utos ng Diyos ayon sa Bibliya. Kung napansin ninyo mga kaibigan, lahat na sinasabing utos ng Diyos sa bawat relihiyon o sekta ay kinukuha po galing sa Bibliya. Kaya ang masabi natin diyan, parehong tunay na utos ng Diyos ang mga sinasabi ng mga ito. Ngunit ang pagkakaiba ay ang pagkahati-hati ng bawat utos.

Para malinaw po, basahin natin ang bersikulo sa Bibliya kung saan nandoon ang sinasabing sampung utos ng Diyos. Mabasa natin ito sa aklat ng Exodo 20:2-17 at Deuteronomio 5:6-14.

Ito ang mga Bible verses sa sampung utos ng Diyos.

Exodo 20:2-17
[2] Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. [3] Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. [4] Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: [5] Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; [6] At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. [7] Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagkat hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. [8] Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. [9] Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. [10] Ngunit ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: [11] Sapagkat sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pat pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal. [12] Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios. [13] Huwag kang papatay. [14] Huwag kang mangangalunya. [15] Huwag kang magnanakaw. [16] Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa. [17] Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

Deuteronomio 5:6-14
[6] Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. [7] Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko. [8] Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: [9] Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagkat akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; [10] At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. [11] Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagkat hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. [12] Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios. [13] Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain: [14] Ngunit ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.

Kung napansin ninyo, nandyan nga ang mga sinasabing utos ng Diyos pero wala namang numero na tanda na sampu nga ito. Bersikulo lang po ang ating makikita, hindi po ang sinasabing sampung utos na may pagkahati-hati. Kaya hindi natin masabi kung alin ang tunay na sampung utos ng Diyos o alin ang tamang pagkahati-hati nito.

Ang importante po mga kaibigan ay ang pagsunod sa utos, hindi po kailangan pagdebatihan ang pagkahati-hati nito. Sana naintindihan ninyo ang paliwanag sa pahina na ito kung ano nga ba talaga ang tunay na sampung utos ng Diyos ayon sa Bibliya. Sa sinabi ko na, parehong tunay ang mga ito ngunit magkaiba nga lang ang pagkahati-hati.

= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Ano Nga Ba Talaga Ang Tunay Na Sampung Utos Ng Diyos?

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form