Bible Verses Tagalog Tungkol Sa Buhay


bible verses tagalog tungkol sa buhay

Ang bible verses tagalog tungkol sa buhay ay mga salita ng Dios sa Bibliya na nagtuturo sa atin kung paano mamumuhay ng ayon sa kalooban ng makapangyarihang Dios.

Ito po ang ilan sa mga bible verses tungkol sa buhay na salin sa tagalog na salita.
Kawikaan 21:21
[21] Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.
Marka 8:35-36
[35] Sapagkat ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon.
[36] Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?
1 Pedro 3:10-11
[10] Sapagkat, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
[11] At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
Roma 12:2
[2] At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Ito ay ilan lamang sa mga bible verses tagalog tungkol sa buhay, at ito rin ang nakita ko na dapat nating bigyan ng pansin dahil napakalalim po ang mga salitang iyan ng Bibliya. Kung mayron kayong maidagdag, ilagay nalang po ninyo sa comment area.

Read more:
= SHOW YOUR REACTION =

GOD BLESS US ! ! !
Comments area on Bible Verses Tagalog Tungkol Sa Buhay

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form